Ang pagmamahal ay parang pagsasaing ng bigas. Maraming mga proseso ang dapat gawin at isaalang alang upang makapagluto ng Kanin.Ang Kanin ay isang importanteng pagkain para sa ating mga pilipino. Kahit saang bahay ay makikita ito. tradisyon na natin ang maghain ng kanin sa hapag-kainan.
Una, piliin ang bigas tulad ng pagpili mo sa taong mamahalin mo, isaalang alang ang iba't ibang elemento ng bigas tulad ng pagkilatis mo sa mga katangian niya at mga nagustuhan mo sa kanya.
ikalawa, bilhin ang bigas, parang pag aalok ng sarili mo sa kanya dahil nagugustuhan mo siya. Gawin ang lahat upang mapansin ka niya at makita ang motibo mong mamahalin siya.
Ikatlo, lagyan ng tubig ang bigas at haluin ito at hugasan, parang paghugas mo sa mga kamalian at mga pangakong di mo nagagawa. Dito mo na aayusin ang sarili mo at aayusin ang sarili niya para sa pagiging komportable ng magiging relasyon niyo.
Ika-apat, Isalang ang Bigas sa Kalan, ang pagsalang ng relasyon niyo sa mga problemang mangyayari sa inyong dalawa, magkakaroon ng pagkainis, galit, di pagkakaintindihan, pagseselos at iba pa na maaring maging dahilan ng inyong pag hihiwalay.
Ikalima, Paghihintay o pagbabantay sa sinaing, matututo kang mag hintay sa kanya at hindi ka dapat mainip sa paghihintay sa relasyon niyo parang paghihintay sa sinaing habang nasa kalan.
Ikaanim, kukulo na ang sinaing at hihinaan na ang apoy, tulad ng pagkulo at pagkapuno niya sa mga kasalanan mo o sa mga kasalanan niya. hihina at aapaw ang sinaing tulad ng pag apaw ng galit niya ngunit hihinaan mo ang apoy parang pagpapakumbaba mo dahil ayaw mo siyang mawala o ayaw mong masunog ang sinaing mo. Pagpapakumbaba sa isang relasyon ay hindi ibig sabihin na ikaw ay mahina ito ang paraan upang sabihin na ayaw mo siyang mawala at ikaw na ang magpaparaya, Siya na ang panalo.
Ika-pito, Pag i ining ng Sinaing(paghihintay sa pagkaluto) paghihintay para sa huling sandali niyo bilang magkasintahan. Pamamanhikan sa pamilya ng mahal mo at paghingi sa kanyang kamay sa kanila. pagbisita sa kanilang bahay, pagpapaplano para sa darating na kasal.
Ika-walo, Pagkaluto ng Sinaing, unang pag amoy sa sinaing pagkabukas ng takip parang pag tingin at pagngiti sa kanya habang siya ay naglalakad sa gitna ng simbahan hawak hawak ng kanyang magulang at handa ng ibigay ang kamay ng kanilang anak sa iyo.
Ika-Siyam, Paghahain ng kanin sa hapag-kainan, ang pagsasabi ng I Do sa simbahan at pagtanggap sa nakahaing kanin o pagmamahal sayo na iyong tatanggapin sa bawat pagsubo ng kanin.
Ika-Sampu, Ang pagkain ng kanin kasama ang mahal mo, Ang pagsasama niyo sa iisang bahay ng taong mahal mo. pagtanggap sa kanya bilang iyong may bahay at mahal sa buhay. pagsasama ng masaya at puno ng pagmamahal parang pagkain sa kanin ng buong kasarapan at kasiyahan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento